Ang mga kinatawan mula sa Bell-Kenz Pharmaceutical, sa pangunguna ng kanilang corporate secretary na si Atty Joseph Vincent Go, kasama sina Atty Andrea Guillergan, Atty Dezerly Perlez at Atty Alex Avizado ay nagsampa ng cyberlibel charges laban kay Dr. Tony Leachon sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI).
Inakusahan ng Bell-Kenz Pharmaceutical si Leachon ng pagkalat ng malisyosong impormasyon tungkol sa kanilang kumpanya na di-umano’y nagsasagawa ng “prescription for sale” scheme. (BONG SON)