IPINAGMAMALAKI ng Philippine National Police na bumaba ang naitalang bilang ng cybercrime cases sa bansa nitong nakalipas na huling limang buwan ng taong 2023.
Sa datos ng PNP-Anti-Cybercrime Group bumaba ng 57 percent ang naganap na cybercrime sa bansa mula Agosto hanggang Disyembre 2023.
Nakapagtala ang PNPACG nang 6,385 na mga cybercrimes na a mas mababa kumpara noong Enero hanggang Hulyo 2023 na umaabot sa 14,893.
Isa sa mga nakikita nilang dahilan dito ay ang pagpapatupad ng SIM Registration Act.
Ayon kay ACG director Maj. Gen. Sidney Hernia na ang deactivation process ng mga unregistered SIM Cards ang isa sa nakatulong sa pagbaba ng mga cybercrimes
Nabatid na karamihan sa mga cybercrimes na naitala ay mga pinaghalong online scams.Binigyang diin ni Hernia na mahalagang magkaroon ng comprehensive strategy na pagsamahin ang teknolohiya at mga legal na panuntunan
Pinasimulan ang pag-deactivate ng mga hindi rehistradong SIM card na noong Hulyo 26, 2023 alinsunod sa implementasyon ng RA 11934 o SIM card Registration Act.














