Dinismiss ng Department of Justice (DOJ) dahil sa kawalan ng merito ang isinampang cyber libel ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP -CIDG) laban sa dating Bayan Muna party-list representative at tatlong lider ng Gabriela Women’s Party .
Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y malisyoso at libelous na pahayag laban sa mga pulis noong 2021.
Sa dalawang-pahinang resolusyon,ibinasura ng DOJ ang two counts ng cyber libel na isinampa ng CIDG laban kina dating Bayan Muna Representative Carlo Zarate, Gabriela Representative Arlene Brosas, spokesperson Luzviminda Calolot-Ilagan at Liza Maza.
Nagsampa ng reklamo ang CIDG noong Nobyembre 2021 matapos na akusahan ng ‘red tagging’ at pagtatanim ng ebidensiya.
Kaugnay nito, pinuri naman ni Zarate ang pagbasura sa umano’y walang basehan na kaso na umano ay isang harassment lamang.