CUSTOMS BROKER AT 2 PA, HINATULAN NG LIFE SENTENCE

By: JANTZEN ALVIN

Hinatulan ng Manila Regional Trial Court ng habambuhay na pagkabilanggo ang custom broker na si Mark Ruben Taguba at dalawang iba pa, dahil sa kanilang naging bahagi sa pagpupuslit ng P6.4 bilyon halaga ng shabu na naging kontrobersyal at iniimbistigahan ng QuadComm.


Sa 37- pahinang desisyon ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court Branch 46, napatunayan na si Taguba, Eirene Mae Tatad at Dong Yi Shen, kilala rin bilang si “Kenneth Dong,” ay ‘guilty’ sa paglabag sa Section 4 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act No. 9165).

Bukod sa nabanggit na hatol ,inatasan rin ng hukom na magbayad sila ng tig -P500,000 na multa.

Ang kaso laban sa mga akusado ay nag-ugat sa shipment ng 602,279 kilograms ng methamphetamine chloride noong Mayo 2017.


Gayunman, ini-archived ng korte ang kaso laban sa iba pang indibiduwal na isinangkot rin sa shipment na kinabibilangan nila Chen Julong alyas Richard Tan; Li Guang Feng ,alyas Anny Li ; Teejay Marcellana at Chen I-Min.

Nananatiling aktibo ang arrest warrant na inisyu laban sa kanila.


Tags: Manila Regional Trial Court

You May Also Like