Custom Processor, nalaglagan ng halos P1 milyon, ibinalik ng pulis at tricycle driver

Kapwa ibinalik ng isang pulis-Maynila at tricycle driver ang kulang-kulang sa P1 milyon na nalaglag sa isang Custom Processor,kamakalawa ng umaga sa Muelle Del Banco International sa Binondo,Maynila.

Nabatid na may kabuuang P981,420 ang halaga na isinoli kay Christopjer Fulleros, ng 2515 Radium St., San Andres Bukid, Maynila sa MPD-Police Station 11.


Ayon kay PLt.Eric Casuncad,ng Manila Police District-Police Station 11,ibinalik ni Edmond Ocampo ,tricycle.driver; at PSMS.Denison Rivera, nakatalaga sa MPD-PS 5 at pasahero ni Manmano kay Fulleros ang nahulog na pera.

Nabatid na noong Oktubre 18, alas-10:30 ng umaga nang aksidenteng malaglag sa sinasakyang motorsiklo ni Fulleros ang pera.

Nalaman na halagang P496,420 ang ibinalik ni Ocampo,habang P485,000 naman ang kay Rivera.


Hindi umano kaya ng konsensiya ng dalawang nakapulot ang mahulog na pera mula lay Fulleros. (Jaymel Manuel)


Tags: Manila Police District-Police Station 11

You May Also Like