ISANG kilabot na wanted Communist Terrorist Group (CTG) leader na responsible sa pagpatay sa apat na pulis at iba pang kaso ng pamamaslang sa Davao del Sur at North Cotabato ang napatay kasama ng isa pang terorista sa Sitio Panopio, Brgy. Malasila, Makilala, North Cotabato ng mga tauhan ng AFP Eastern Mindanao Command (EastMinCom).
Ayon kay LtGen. Greg T. Almerol, Commander ng EastMinCom, napatay ng kanyang mga tauhan ang dalawang CTG personalities na sina Roberto Castillote, Commanding Officer, at Jovilito Yambanao, Political Guide, mula sa nabuwag na Pulang Bagani Command (PBC), Sub-Regional Committee 3 (SRC3), Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).
Natunton ng mga tauhan ng 1002nd Brigade- 39th Infantry Battalion (IB) ang pinaglulungaan ng isang grupo ng CTG’s na sinasabing nagbabalak na maglunsad ng karahasan sa Brgy. Malasila na agad na nauwi sa sagupaan.
Nakuha sa encounter site ang bankay ng dalawang terrorist personalities, isang Uzi Sub-machine gun, dalawang improvised explosive devices (IED), hand grenade, at container na may gasoline.
Si Castillote ang tinuturong nagsagawa ng pananambang at pagpatay sa apat na pulis at SOCO personnel na magsasagawa lamang ng pagsisiyasat sa naganap na shooting incident na kinasasangkutan din ng kanyang grupo sa Brgy. Sibayan, Bansalan, Davao del Sur nuong March 8, 2017 at kabilang sa mga napaslang ang isang buntis.
Bukod dito ay may pending warrants of arrest din ang napatay na NPA para sa kasong attempted murder, double attempted murder, frustrated murder, murder, slight illegal detention, robbery, robbery with homicide, and violation of the Republic Act 7610 or the Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination.
Ayon kay LtGen. Almerol nabigyan na rin ng hustisya ang mga biktima sa pagkamatay ni Castillote.
“May his death ease the grief of the families left behind by the victims of Castillote’s atrocities who seek justice for long years. With this accomplishment, we also assure that the CTG will no longer revive to cause more human rights violations against our innocent people,” ani Almerol. (VICTOR BALDEMOR)














