Latest News

CSC PABOR SA 4-DAY WORK WEEK PERO…

APRUB para sa Civil Service Commission (CSC) ang 4-day work week pero dapat na ituloy pa rin ang 5 day work week.

Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada na sa ilalim ng CSC Memorandum Circular No. 18, s. 2020, pinapayagan ang mga government agency na mag-adopt ng alternatibong work arrangements hanggang sa alisin na sa State of Public Health Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Matagal na hong may 4-day compressed workweek, since 2020 po. Ang validity nito ay hanggang sa declaration ng State of Public Health Emergency which will end on September 10, 2022. So, matagal na pong suportado,” ayon kay Lizada sa Laging Handa briefing.


Sa kabila umano na maaring magpatupad ang local government units ng 4-day work week,nilinaw ni Lizada na dapat ang mga opisina ay tumatakbo ng. limang araw kada linggo.

“Kinakailangan may tao ang opisina, hindi unmanned ang ating opisina. So base din ito sa pagpipilian ng HR together with heads of agencies or local chief executives concerned,” ani Lizada.

Nabatid na maaring gawin ang Lunes hanggang Huwebes at Martes hanggang Biyernes na schedule ng mga empleyado.


Tags:

You May Also Like

Most Read