Latest News

Cruise ship waiter na ‘wanted’, dakip sa MPD

By: Baby Cuevas

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 14 ang isang cruise ship waiter na diumano ay wanted sa Puerto Princesa City sa kasong act of lasciviousness, kamakalawa ng gabi sa Eusebio corner Dominga Streets sa Pasay, City .

Kinilala ni PCapt. Fredwin Sernio ng MPD-PS 14 ang suspek na si Jeffrey Magsumbol,36, at residente sa nasabing address.


Napag-alamang naaresto ang suspek alas-8:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Arlene Bayuga Guillen ng FC Branch Puerto Princesa City Palawan kaugnay ng Criminal Case No. 43543 hanggang 43549 na may petsang P108,000 na kinakaharap nito.

Ang kaso ay may kaugnayan sa panghahalay sa isang menor de edad sa Puerto Princesa.


Nakadetine ang suspek sa MPD habang hinihintay ang commitment order ng korte.


Tags: Manila Police District-Station 14

You May Also Like

Most Read