Latest News

CRUISE PASSENGER, INAASAHANG DADAGSA SA PILIPINAS

By: Victor Baldemor Ruiz

Naniniwala ang pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) na malalagpasan nila ang naitalang bilang ng mga cruise liners na dumaong malapit sa mga magagandang baybayin ng Pilipinas at bilang ng cruise passenger na dadayo sa basa ngayong taon.

Ipinagmalaki ni PPA general manager Jay Santiago na noong nakaraang taon ay mayroong 91 na cruise ships ang dumating sa bansa at nagdala ng halos 90,000 pasahero.

Ngayong taon ay inaasahang aabot sa halos 104,000 ang mga cruise passenger na dadayo sa Pilipinas at malalampasan ang bilang na naitala kumpara noong 2023.

Kaniya ding inanunsyo na mula Enero hanggang Mayo ay mayroon ng 65 na cruise ship at halos 60,000 na mga pasahero ang dumayo at nakapamasyal sa Pilipinas.

Sinasabing karamihang mga cruise passengers ay mga Europeans at mula Hong Kong.

Samantala ipinahayag ng PPA na ilang Puerto para sa mga cruise ship at luxury ships ang malapit ng matapos gaya sa bayan ng Dapa, Surigao del Norte ganun din sa Camiguin, Boracay, Coron sa Palawan at sa Puerto Galera.

Sinisiguro ni Santiago na aayusin ng PPA ang lahat ng mga serbisyo sa cruise ports para maiwasan ang anumang aberya.

Tags:

You May Also Like

Most Read