Palaisipan sa netizens kung bakit wala si Cristine Reyes sa 30th birthday celebration ng boyfriend na si Marco Gumabao.
Wala ring binigay na rason ang actor kung bakit wala ang girlfriend.
Post niya sa kanyang Instagram page: “Not so dirty thirty grabe, parang kailan lang 29 palang ako, ngayon 30 yrs old na, Of course I wanna thank God for all the blessings that he has given me. Also all the trials, hardships and lessons that came in my life because that’s what made me to the man what I am today.”
Ang sumunod na kanyang sinabi ay salitang Bicolano dahil taga-Bicol pala ang aktor.
Komento ng isang netizen: “Napansin ko lang bat wala si Cristine sa celebration”
“Tapos na kc the honeymoon phase”
“This is sad if this is true. I’m rooting for them…”
“Kaya nga wla na din IG c Cristine nag deactivate ata”
“Deactivated nga po account cristine”
Ang account yatang bago ni Cristine is cristinelenk. Binati naman daw ni Cristine sa kanyang FB ang aktor. Kahit deactivated na nga ang IG account ni Cristine Reyes, may post pa rin si Marco ng larawan ng girlfriend kung saan binati niya ang boyfriend. Ang nasabing larawan ng aktres ay mula sa account na @cristinelenk.
Nilagyan ito ng aktres na “cheers to 30! — cristinelenk”
Komento tuloy ng netizens, “Mga papansin”
“Kasi may pumapansin like us”
“True! Katulad ng isang lalaki na nag-deactivate rin ng account”
“Papansin daw yan sya sabi ni atih”
“May new projects kasi sila (individually) para pag promote may mapag usapan LOL”
“Papansin KC c cristine.may pa deactive p xia nag ig nala2man.alm nea nmn Marami marites sa pinas.d na KC matunog ung pangaln.i2 nmn marco nag pa2nsin din DHL tatakbo sa bicol”














