Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ng 50 percent ang krimen sa Metro Manila nitong nagdaang dalawang linggo, kumpara sa kaparehong panahon ng 2025.
Batay sa datos ng Crime Incident Reporting and Analysis System, mula August 23 hanggang September 8, 2025 ay 373 ang naitalang crime rate habang 181 o 51.47% ang naitala sa kaparehong panahon ngayong 2026.
Ayon kay NCRPO Director Police Brigader General Christopher Abrahano, ang mga krimen na nakita nilang bumaba ay carnapping, theft, robbery at physical injury.
Ipinag-utos ng bagong-upong NCRPO chief sa mga district director sa Metro Manila na panatilihin ang malakas na police visibility, managing operations at pagpapatrulya sa kanilang area of responsibility upang magpatuloy ang pagbaba ng krimen sa NCR.
Ngayong pumasok na ang buwan ng Setyembre o pagsisimula ng ‘ber months,’ dapat umanong mas mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis dahil sa posibleng muling pagdami ng krimen.














