NAKAPAGTALA ang Metro Manila ng pagbaba sa crime rate nitong huling tatlong buwan, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Base ito sa crime index na naitala mula huling linggo ng Nobyembre 2024 hanggang kalagitnaan ng buwan ng Enero 2025 na mas mababa ng 23.73 percent.
Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), nakapagtala ito ng 768 index crimes noong nakaraang taon, na mas mababa kaysa 1,007 na kaso noong 2023.
Sa kanilang datos, narekober ng NCRPO ang ?153.29 milyon halaga ng ilegal na droga at inaresto ang 3,806 suspek mula sa 1,518 anti-illegal drug operation.
Sa operasyon laban sa ilegal na sugal, may kabuuang ?928,000 na’ bet money’ ang nakumpiska .
Bukod dito, 352 katao naman ang naaresto dahil sa iligal na baril at umaabot sa 364 armas ang nakumpiska.
Naaresto rin ang 976 most wanted personalities at 1,190 iba pang wanted na indibidwal habang nasa 349,465 ang nahuli dahil sa paglabag sa mga ordinansa sa Metro Manila.
“NCRPO shall consider these initial operational milestones as our motivation to remain committed in performing our mandate of keeping the peace in Metro Manila. With the help of a responsive community, we shall continue with our ‘back to basics’ approach in crime prevention and solution, while fully embracing innovations in law enforcement,” pahayag ni NCRPO chief PBGen. Anthony Aberin.
Nagpasalamat si Aberin sa suporta ng publiko at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, gamit ang “back-to-basics” approach.