Latest News

CPP-NPA TERRORIST PATAY; WALONG BARIL NABAWI

By: Victor Baldemor Ruiz

ISA na namang kasapi ng communist New Peoples Army ang napatay habang walong high-powered firearms naman ang nabawi ng mga tauhan ng Philippine Army 4th Infantry Division sa kanilang focused military operations sa Bukidnon, Agusan del Sur.

Ayon kay Army 4IDs spokesman , Major Francisco P Garello, Jr., (INF) PA Chief, Division Public Affairs Office, dalawang magkasunod na military operation ang inilunsad ng 4IDs sa lalawigan ng Bukidnon at Agusan del Sur na ikinamatay ng isang NPA nitong nagdaang lingo.


Ayon kay Maj. Garello, limang NPA ang nakasagupa ng mga tauhan ng 26th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Sandy Majarocon, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng 403rd Infantry Brigade sa Brgy. Guibonon, Esperanza, Agusan del Sur kahapon na nag resulta sa pagkakabawi sa isang M16 Rifle at pagkasawi ng CNT na kinilalang si Madagi Tumanan, ng Brgy. Eureka, Gingoog City, Misamis Oriental.

“The remains, upon extrication, will be turned-over to the PNP and eventually to the nearest funeral homes in Gingoog City. We will reach out to the family so that the dead CNT will have a decent burial.

“We remain committed to the respect of human rights and highly value the sacredness of a body of human being, contrary to the communist terrorist group’s (CTG’s) criminal actions in abandoning their dead comrade as if it’s nothing after using and pushing him to his grave,” ani Lt. Col. Majarocon.


Bago ang nasabing sagupaan ay nakaharap naman ng 8th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Anthony Bacus, ang pitong NPA sa Sitio Kamaca, Brgy. Bontongon, Impasug-ong, Bukidnon, at natagpuan ang 6 na baril sa may sapa malapit sa encounter site.


Tags: New People's Army

You May Also Like