Latest News

CPP-NPA TERRORIST PATAY; ANIM NA HIGH-POWERED FIREARMS NABAWI, NPA HARBOUR AREA NAKUBKOB

ILANG araw bago ang paggunita ng ika 53 taong pagkakatatag ng New People’s Army ang armadong galamay ng Communist Party of the Philippine ay nakubkuob ng mga sundalo ng AFP 4th Infantry Division ang pinagkukutaan ng mga communist terrorist group sa Marihatag, Surigao del Sur.

Isang rebelde ang namatay at may anim na high powered firearms ang nabawi sa isinagawang military operation ng 75th Infantry Battalion na nasa operational control ng 401st Brigade matapos ang naganap na engkwentro sa Sitio Montenegren, Brgy San Isidro,sa bayan ng Marihatag.

Ayon sa Philippine Army – 75th IB may 20 NPA terrorist (CNT) na nagsasagawa ng panggugulo at pangingikil sa Surigao del Sur area ang kanilang nakasagupa matapos na ituro ng concerned citizens,”

Matapos na maberipika ang sumbong hinanap na ng mga sundalo ang pinagkukublihan ng mga mga rebelde at agad na nagkaroon ng engkwentro.

Iniwan ng mga CTG ang kanilang namatay na kasamahan na kasalukuyang inaalam pa ang kakikilanlan.

Ayon pa sa ulat may anim na (6) high powered firearms, na kinabibilangan ng dalawang (2) M16 rifles, dalawang (2) AK 47 rifles, isang (1) M653 rifle, at isang (1) M203 grenade launcher. Bukod pa rito ang 16 tents, pitong backpacks, tatlong commercial radios, isang GPS, Improvised Explosive Device Paraphernalia at mga dokumento na may high intelligence value.

“Another unfortunate incident transpired wherein a CNT was killed and several others wounded. Hence, we are calling on the CNTs to surrender and allow us to help them treat their wounded comrades”, ani Col Rommel Almaria, 401st Brigade Commander .

“Again, we are appealing on the remaining Communist Terror Group members to surrender peacefully, we will accept you with open arms. Avail the E-CLIP of the government and start new lives with your families. Together, we will end this conflict and achieve a lasting peace”, dagdag pa ni Col Almaria. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read