Latest News

CPP-NPA SPOKESMAN, PINALULUTANG PARA PAG-USAPAN ANG ALOK NA AMNESTIYA NI PBBM

By: Victor Baldemor Ruiz

HINIHIKAYAT ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nalalabing liderato ng Communist Party of the Philippines at ng armadong galamay nitong New People’s Army na makipag-usap at talakayin ang alok na amnestiya ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Hinamon ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres, Jr. ang sinasabing tumatayong tagapagsalita ng CPP-NPA na si Marco Valbuena na lumantad upang pag-usapan ang alok na amnestiya ni Pangulong Marcos para sa mga nalalabing rebelde.

Naniniwala si Retired Philippine Army Northern Luzon Command chief LtGen. Jun Torres na wala nang pinuno sa ngayon ang kilusan dahil sa pagkamatay ni Jose Maria Sison at pagkaka-nutralisa ng karamihan sa kanilang mga matataas na opisyal at tanging si Marco Valbuena na lamang ang nagsasalita para sa grupo.

Agad na nilinaw ni Torres na bukas ang pamahalaan na pakinggan kung may makabuluhang maidadagdag si Valbuena sa isinusulong na Amnesty Proclamation, upang masiguro na walang pagkakamali ang ilalabas na proklamasyon.

Magugunitang si Marco Valbuena ang naglabas ng statement na hindi tinatanggap ng kilusang komunista ang isinusulong na Amnesty Proclamation.

Tags:

You May Also Like

Most Read