NADAKIP ng pinagsanib pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police ang Number 2 leader ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) sa ikinasang law enforcement operation na pinangunahan ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division, sa Barangay Pitogo, Consolacion, Cebu.
Armado ng warrant of arrest, dinakip ng mga sundalo at pulis si Romulo Micabalo alias Ned/Lukad ang top two leader ng EVRPC dahil sa kasong two counts of kidnapping with serious illegal detention at robbery with violence against or intimidation of person issued by Hon. Fernando Fudulan Jr of Branch 07, Regional Trial Court in Bayugan City, Agusan Del Sur.
Si alyas Ned ay kilalang kilabot na lider ng Regional Operations Command (ROC) at pinuno ng Regional Operations Division (ROD) ng EVRPC ay responsible sa mga kaguluhan at karahasan ng nagaganap sa Eastern Visayas.
Naging dating miyembro din ito ng Regional Sentro De Gravidad – Compaq, ng North Central Mindanao Regional Party Committee (NCMRC) operating in Northern Mindanao.
Nabatid na ang nadakip na NPA leader ay anak ni Dionisio Micabalo alias Muling ang top leader ng NCMRC na napatay sa isang engkwentro nang makasagupa ang mga sundalo sa Gingoog City, Misamis Oriental noong Hulyo, 26, 2023.
Pinangunahan umano ni alias Ned ang pagsunog sa Jipapad – Las Navas road construction equipment sa Barangay Quirino at Barangay San Francisco, Las Navas, Northern Samar na tinatayang aabot sa P32 Million ang naging pinsala noong Hulyo 29, 2021.
At pag ambush at pag massacre sa isang sundalo at tatlong CAAs na ikinasugat din ng anim na miyembro ng Civilian Armed Auxiliaries na nagsasagawa ng construction works ng 52IB CAAs detachment sa Barangay 4, Jipapad, Eastern Samar noong Hulyo 29, 2021 at pagsalakay sa Community Support Program Team na nagbabantay naman sa construction ng school building sa Barangay Dorillo, Jipapad, Eastern Samar nuong October 07, 2022 na ikinasugat ng isang sampung taong gulang na bata.
“The support of our partner stakeholders is the key to this achievement, as we continue to crack down the CTGs to their smallest formations. We will be relentless in our operations. We assure you that our people will be protected and freed from violence and atrocities by the CTGs,” pahayag ni Major General Camilo Z Ligayo Commander ng Army 8th Infantry Division.
“To the remaining cadres of the EVRPC give peace a chance and take advantage of the comprehensive program of the government to start a peaceful life.” Dagdag pa ni Maj. Gen. Ligayo.
Magsilbi sanang inspirasyon sa inyo ang pagkakahuli sa inyong lider para tuluyan na kayong magbalik-loob sa gobyerno at umuwi sa inyong mga pamilya. Makakaasa kayong tutulungan namin kayo sa inyong pagbabagong buhay,” ayon kay Las Navas Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Mayor Arlito Tan.














