CPP-NPA-NDF SUPPORTERS SUMUKO

By: Victor Baldemor Ruiz

TULUY-tuloy ang paghina ng communist New Peoples Army, ayon sa pahayag kahapon ng militar matapos na kusang sumuko ang 20 tauhan nito at taga suporta sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Hukbong Sandatahan, dalawang kasapi ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPLS) at limang miyembro ng Milisyang Bayan Barangay ng Don Juan Verceles at Butangiad sa bayan ng San Francisco ang boluntaryong sumuko habang labing-anim naman na CPP-NPA-NDF supporters ang binawi ang suporta sa komuniastng kilusan.


Pinangunahan ng San Francisco at San Andres Municipal Task Forces to End Local Communist Armed Conflict sa pamumuno nina San Francisco Mayor Romulo D Edaño at San Andres Mayor Ralph Edward B. Lim, kasama ang mga kasundaluhan ng 85th Infantry “Sandiwa” Battalion at mga kapulisan ng Quezon PNP at San Francisco PNP, ang pagsasagawa ng programa hinggil sa pagsuko ng dalawang Sangay ng Partido sa Lokalidad mula sa mga Barangay ng Ilayang Tayuman at Don Juan Verceles;

Samantala, nagbawi rin ng suporta mula sa makakaliwang grupo ang nasa 12 CPP-NPA-NDF supporters mula sa mga barangay ng Mabunga, Busdak, Casay, Sto Niño at Poblacion of San Francisco habang 4 naman mula sa barangay Camflora at Talisay sa bayan ng San Andres.

Nanumpa rin ang mga naturang indibidwal ng kanilang katapatan sa pamahalaan kasabay ng kanilang pagbawi ng suporta at pagkondena sa CPP-NPA-NDF sa lahat ng iligal na gawain nito.


Ayon naman kay 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. General Roberto S. Capulong, “Ang patuloy na pagsuko at pagbawi ng suporta ng mga miyembro ng mga rebeldeng grupo ay isang patunay ng lumalagong tiwala ng ating mga kababayan sa kampanyang pangkapayapaa ng pamahalaan.”

“Patuloy rin kaming makikipagtulungan sa mga pamahalaang lokal, key stakeholders at security partners sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa buong Timog-Katagalugan.” ani Maj. General Capaulong.


 


Tags: New People's Army

You May Also Like

Most Read