CPP-NPA MAGIGING “ORDINARY CRIMINALS” NA LANG — LT. GEN. BRAWNER

TIWALA ang pamunuan ng Philippine Army nakakayanin nila ngayong taon na tuluyang wakasan ang communist insurgency at ibaba nila ang CPP-NPA na isang insignificant force kung saan magiging mga ordinary criminals na lamang ang mga ito.

Ayon kay Army Commanding General, Ltgen Romeo Brawner, kung pagbabasehan ang kanilang mga accomplishment at ang tuloy tuloy na pagsuko ng mga dating rebelde ay kusang mamatay communist terrorist group.

Sa ngayon very irreversible na ang pagka gapi ng CPP-NPA wala ng tsansa pa silang muling makabangon. “NPA will suffer slow and painful death,” ani Ltgen Brawner,


Magugunitang inatasan ni pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police na duruging ang CPP-NPA at communist terrorist sa bansa bago siya bumaba ng puwesto ngayong Hunyo ng kasalukuyang taon.

Inihayag pa ni Brawner na oras na mag shift ang kanilang focus sa external defense ay sasabayan nila ito ng pagsusulong ng kanilang Army modernization program. Ito matapos na maging isang “insignificant force” na lamang ang CPP-NPA at sila ay magsisilbing mga ordinary criminals o ordinary police matter na lamang.


Sa datos ng Army napakaraming gueriila front na ang kanilang nasawasak sa mga area nasasaklaw ng Northern Luzon Command, particular ng 5 at 7th Infantry Division; maging sa nasasakupan ng 10th ID nasa ilalim ng Western Mindanao Command at 4th ID na dating pinamumunuan ni Ltgen Brawner sakop ng Eastern Mindnao Command.

Kaugnay pa nito inihayag naman ni Eastern Mindanao Command (EastMinCom) chief LtGen. Greg T. Almerol , nakikita na nila ang pag-collapse ng Communist Terrorist Group (CTG) s akanilang nasasakupan matapos na nagsisuko ang nalalabing leadership ng tinaguriang oldest guerilla units sa bana sa sa Purok San Miguel, Brgy Kidawa, Laak, Davao de Oro.


Ayon kay Ltgen Almero, 13 leaders at members ng Guerilla Front 3 (GF3), Sub-Regional Committee 4 (SRC4) ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), ang sumuko sa 1001st Infantry Brigade’s 60th Infantry Battalion (60IB), 25th Infantry Battalion (25IB) at intel units matapos ang suniod sunod na focused military operations.

The surrenderees led by Renard Galos Catarata alias SM, GF3’s Commanding Officer, and Rico Ogong Kipitan alias Bryan, Vice Commanding Officer, and 11 others also brought along with 13 high-powered firearms composed of eight M16 rifles, two M653 rifles, an AK 47 rifle, a DPMS rifle, a Caliber 9mm Pistol, and war materiel composed of several magazines, various ammunitions, and medical supplies, ani Lt. Gen. Almerol.

Pahayag naman ni MGen Nolasco A Mempin, 10ID Commander , “this will have a huge impact to the CPP-NPA, noting that Guerrilla Front 3 is one of the pioneer guerrilla fronts in the entire country, this will have a domino effect in the whole area of responsibility of 10ID especially to the few remaining guerrilla fronts.” (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Army Commanding General, Ltgen Romeo Brawner

You May Also Like

Most Read