CPP-NPA, LAST ANNIVERSARY NA AYON SA AFP; COMMISION ON HUMAN RIGHT NILUSOB

TIWALA ang Armed Forces of the Philippines na hindi na maiiwasan ang tuluyang pagkalupig at pagkadurog ng Communist party of the Philippine at armadong galamay nitong New People’s Army ayon sa tagapagsalita ng militar.

Kasabay sa pagdiriwang ng ika-54 taon ng New Peoples Army, sinabi ni Col Medel Aguilar, AFP spokesperson na:“Communist Insurgency is near its end.”


“With few remaining of its hardcores and deceived supporters, the Communist Party of the Philippines (CPP) could hardly find a reason to celebrate the 54th founding anniversary of the New People’s Army (NPA),” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Col. Medel na ipagdasal sana ng sambayanang Pilipino na wala nang gugunitain pang anibersaryo ang CPP-NPA, habang tuloy-tuloy na isinasagawa ng pamahalaan ang holistic approach sa pagtugon sa insurgency issues na pinaghuhugutan ng mga makakaliwa.

“The most difficult challenge and a bitter pill to swallow is the realization of the CPP of its irrelevance in the life of the Filipino people. As a consolation, the party can partly take credit in making the government realize its shortfalls in governance, particularly in the delivery of basic services, and in pushing it to do more and serve its people better. The CPP, if it wants to survive, has to abandon armed struggle, disband the NPA and submit to the will of the Filipino people,” sabi pa ni Col Medel.


Kahapon ay nilusob ng mga dating matataas na pinuno ng CPP-NPA ang tanggapan ng Commission on Human Rights at nagtirik din ng mga kandila sa Plaza Miranda bilang simbolo ng pamamaalam sa katapusan ng teroristang CPP-NPA-NDF!

Bitbit ang panawagang: “Itakwil at Labanan ang 54-taong Kataksilan at Ilantad ang Panlilinlang ng Teroristang CPP-NPA[1]NDF! WAKASAN ANG ARMADONG TERORISMO!”, nagtirik ng mga kandila at sinunog ang mga bandila at konstitusyon ng CPP-NPA-NDF, bilang simbolo ng makasaysayang pamamaalam ng iba’t -ibang henerasyon ng mga dating Cadre at Rebelde ng CPP-NPA-NDF, kasama ang iba’t ibang organisasyon sa ilalim ng Kilusan ng Pagwawasto sa Kasaysayan (KPK) sa KATAPUSAN at PAGWAWAKAS ng teroristang CPP-NPA-NDF sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila.


Ayon kay Ka Peter Mutuc, isa sa mga pasimuno ng FIRST QUARTER STORM sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at Convenor ng KPK: “Sa Plaza Miranda nagsimula ang terorismo ng CPP-NPA-NDF, dahil sa utos ni JOMA SISON (Rest In Hell), Today… dito sa Plaza Miranda namin sila sisingilin, pananagutin, at wawakasan ang limang dekadang karahasan at pighating naidulot nila sa bawat pamilyang Pilipino”.

Bago nagtungo sa Plaza Miranda ang mga lider ng KPK ay lumusob muna sila sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) upang magkaroon ng dayalogo sa mga pinuno ng CHR kaugnay sa pagbasura sa tinutulak na Human Rights Defenders Protection Bill o House Bill #77 sa kongreso ng MAKABAYAN BLOC, na notoryus sa pagtatangol sa mga terorismo ng CPP-NPA-NDF sa mamamayang Pilipino.


Ang House Bill #77 ay tinatawag na CPP-NPA-NDF PROTECTION BILL ng grupong KPK Ang Kilusan ng Pagwawasto sa Kasaysayan (KPK) ay inilunsad noong Enero 30, 2023, sa Lungsod ng Quezon at ito ay binubuo ng iba’t- ibang organisasyon mula sa: FQS Cadres; Sentrong Alyansa ng mga Mamamayan para sa Bayan (SAMBAYANAN), League of Parents of the Philippines (LPP) Inc.; Yakap ng Magulang (YNM) Inc.; Samahang Mahihirap para sa Kapayapaan at Kaularan ng Bayan (SAMAKA-BAYAN) Inc.; Hugpong Obrero, Inc.; Solidarity of Parents and Educators for Empowerment, Peace, and Development (SPEEPD) Inc.; Artists for Nation Building (A4NB); Kapatiran ng mga Dating Rebelde sa Palawan (KADREP) Inc.; at Kilusang Pilipinismo. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: New People's Army

You May Also Like

Most Read