HINDI na umano kailangan magtaas ng alerto ang Armed Forces of the Philippine particular ang Philippine Army kaugnay sa ika 56 taong pagkakatatag ng Communist Party of the Philippine.
Wala naman significance kahit mag anibersaryo ang CPP-NPA dahil insignificant na sila ani Commanding General Philippine Army Lt. Gen Roy Galido.
Hindi na umano kailangan magtaas pa ng alerto dahil puspusan na ngayon ang ginagawang pagtugis ng military sa nalalabing kasapi ng CPP at sa kanilang armadong galamay ang New Peoples Army.
Kapwa hindi nagdeklara ng kanilang unilateral ceasefire ang militar at communist lawless elements ngayong yuletide season kaya inaasahan na tuloy tuloy ang laban.
Inaasahan na rin umano ang posibilidad na magsagawa ng mga opensibang gurilla ang CPP-NPA para patampukin ang kanilang anibersaryo kahapon, Disyembre 26.
Ayon kay Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, puspusan ang isinasagawang internal security operations ng mga sundalo, lalo na sa mga lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan pa ng mga rebeldeng grupo upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino habang nasa gitna ng selebrasyon ng holiday.
Ito ay sa kabila ng hindi na pagdedeklara ng heightened alert kasabay ng anibersaryo ng CPP dahil nananatili ang mahigpit na military operations sa mga naturang lugar upang masigurong hindi makapagsagawa ng kaguluhan ang rebeldeng hanay tulad ng ginagawa sa mga nakalipas na taon – na kadalasan ay isinasabay din sa anibersaryo ng komunistang grupo.
Batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tinatayang aabot na lamang sa 1,500 fighter ang bilang ng mga rebelde na malayong-malayo mula sa tinatayang 25,000 armadong guerilla noong dekada 80.
Sinabi ni Dema-ala na bagamat nag-iisang weakened guerilla front na lang ng CPP-NPA ang kanilang tina-trabaho subalit ayaw nila pakampante kahit malaki na ang nararating ng ‘whole of the nation approach’ ng gobyerno dahil maraming buhay na ang na sakripisyo simula ng tinangka ng CPP-NPA na agawin ang poder.
Maging ang Philippine National Police ay hindi nagdedeklara ng suspension of police operations laban sa NPA rebels dahil lantad na ginagamit ito ng mga rebelde para sa mag consolidate, magpalakas ng puwersa o mag lunsad ng pag-atake.
Nabatid na inatasan na lamang ng AFP at PNP ang kanilang mga tauhan na magsagawa ng target hardening o pagpapatatag ng depensa sa mga posibleng soft target na maaaring puntiryahin ng CPP-NPA para palitawin na may taglay pa silang Lakas na dapat katakutan.
Ayon sa kay PNP public information officer Brig. Gen. Jean Fajardo, hindi naman sila nagbababa ng alerto sa lahat ng kalaban ng estado lalo na saa CPP-NPA .
Lagi umanong naka alerto ang PNP bilang paghahanda sa pag-atake ng CPP-NPA kasabay ng kanilang founding anniversary lalo na sa malayo o mga far-flung at isolated police stations na itinuturing na madaling atakihin kaya inatasan ang mga field commanders na palakasin ang depensa upang hindi maging biktima ng harassment at ambush.
Ani Bgen Fajardo hindi rin umano imposibleng lumikha sila ng kaguluhan bilang ganti sa sunod sunod.