Latest News

CPP-NPA 53RD ANNIVERSARY: 4 NA KADRE PATAY, 12 SUMUKO

PAGKAGAPI ang sumalubong sa ika-53 anibersaryo ng New People’s Army kahapon ng apat na rebelde ang napatay ng militar matapos ang nangyaring bakbakan sa Davao de Oro at Oas Albay.

Ayon kay B/Gen. Jesus Durante III, Commander ng 1001st Infantry Brigade ng Philippine Army, tatlo ang nasawing NPA naganap ang sagupaan sa may bahagi ng Brgy. Tupaz, sa bayan ng Maragusan.

Kinilala ni Durante ang mga nasawing rebelde na sina Ezequil Cortez Daguman alias Rey/Ry, miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee at Deputy Secretary ng Regional Operational Command, Southern Mindanao Regional Committee.

Nasawi rin ang NPA member na sina Ruel Baylon na kilala rin sa alyas na James at si Quirino Remegio na kilala sa mga alias Jelly at Manoy.

Matapos ang engkwentro, narekober ng Militar ang nasa pitong matataas na uri ng armas, Improvised Explosive Device o IED, samu’t saring mga bala, medical paraphernalia at personal na kagamitan.

Sinabi ni Durante, malaking dagok sa buong CPP ang pagkamatay ni Daguman na siyang utak ng pangingikil sa mga negosyante at pulitiko sa lugar.

Samantala sa bayan ng Oas, Albay, isang NPA ang napatay ng 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion at ng Police Regional Office 5 (PRO5), habang dalawang sugatang NPA ang piniling isalba ng tropa ng gobyerno

Una rito, nauwi sa halos dalawampung (20) minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng mga terorista matapos ang isinagawang combat at security operation, kasunod ng sumbong ng mga residente ukol sa presensya ng mga terorista sa Barangay Badbad

Samantala labing dalawang (12) miyembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Masbate ang piniling talikuran ang rebeldeng samahan sa mismong pagunita nito ng ika-limangpu’t tatlong (53rd) anibersaryo.

PAGKAGAPI ang sumalubong sa ika-53 anibersaryo ng New People’s Army kahapon ng apat na rebelde ang napatay ng militar matapos ang nangyaring bakbakan sa Davao de Oro at Oas Albay.

Ayon kay B/Gen. Jesus Durante III, Commander ng 1001st Infantry Brigade ng Philippine Army, tatlo ang nasawing NPA naganap ang sagupaan sa may bahagi ng Brgy. Tupaz, sa bayan ng Maragusan.

Kinilala ni Durante ang mga nasawing rebelde na sina Ezequil Cortez Daguman alias Rey/Ry, miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee at Deputy Secretary ng Regional Operational Command, Southern Mindanao Regional Committee.

Nasawi rin ang NPA member na sina Ruel Baylon na kilala rin sa alyas na James at si Quirino Remegio na kilala sa mga alias Jelly at Manoy.

Matapos ang engkwentro, narekober ng Militar ang nasa pitong matataas na uri ng armas, Improvised Explosive Device o IED, samu’t saring mga bala, medical paraphernalia at personal na kagamitan.

Sinabi ni Durante, malaking dagok sa buong CPP ang pagkamatay ni Daguman na siyang utak ng pangingikil sa mga negosyante at pulitiko sa lugar.

Samantala sa bayan ng Oas, Albay, isang NPA ang napatay ng 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion at ng Police Regional Office 5 (PRO5), habang dalawang sugatang NPA ang piniling isalba ng tropa ng gobyerno

Una rito, nauwi sa halos dalawampung (20) minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng mga terorista matapos ang isinagawang combat at security operation, kasunod ng sumbong ng mga residente ukol sa presensya ng mga terorista sa Barangay Badbad

Samantala labing dalawang (12) miyembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Masbate ang piniling talikuran ang rebeldeng samahan sa mismong pagunita nito ng ika-limangpu’t tatlong (53rd) anibersaryo. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read