Tumataas pero mabagal.
Ganito kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang lagay ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa na nanatiling nasa low risk umano.
Patuloy umanong na binabantayan ang bilang ng mga kaso ng COVID- 19 na nanatili pa ring kontrolado
Napag-alaman na nananatiling masa masusing koordinasyon ang DOH sa World Health Organization dahil sa bagong FLiRT variants.
Hanggang nitong Mayo 27, 2024 ay nasa 14% lamang (174/1,235) ng COVID-19 ICU beds ang okupado at tanging 15% (1,601/10,910) ng kabuuangg COVID-19 beds ang okupado.
Nasa 185 naman o.10% ng kabuuang admission sa.mga pagamutan ang severe at kritikal.
Napag-alaman na ang average number ng arawang kaso noong Mayo 21 hanggang 27, 2024 ay nasa 319 na mas.mataas kumpara sa nakalipas na linggo.
Kaugnay nito, naniniwala ang DOH na ang mga mino-monitor na Omicron subvariants ay nakapasok na sa bansa.
Sa sequencing data ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) ay kinumpirma na may 30 kaso ng JN.1, 2 kaso ng JN.18, at 2 kaso ng KP.2.
Napag-alaman na may apat na Variants Under Monitoring (VUM) kinabibilangan ng JN.1.7, JN.1.18, KP.2 at KP.3. Ang lahat ng naturang variants ay descendants ng JN.1. Variants ,ang KP.2 at KP.3 ay kinilala naman bilang FLiRT variants .
Nagpayo ang DOH sa publiko na patuloy na sumunod sa safety standards gaya ng. pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay, maayos na bentilasyon at pag-iwas sa maraming tao o mga ‘crowded’ na lugar.