Latest News

COVID positivity rate, patuloy ang pagtaas sa NCR — OCTA

Patuloy umano sa pagtaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR), habang mas mataas na sa 10% ang rate sa ilang lalawigan.

Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. GUIDO David nasa 10.4% na ang positivity rate sa NCR hanggang nitong Hulyo 7 mula sa dating 8 4% noong Hulyo 2.

Habang ang ilang lalawigan na may positivity rate mas mataas sa 10% ay ang
Antique (18.9%), Batangas (10.5%), Capiz (17.8%), Cavite (16.2%), Iloilo (10.9%), Laguna (16.2%), Pampanga (16.1%), at Rizal (15.7%).


Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng mga taong nagpositibo sa COVID 19 sa kabuuang bilang nang nasuri.

Nalaman na ang aktibong kaso ng COVID19 sa Pilipinas hanggang nitong Hulyo 8 ay nasa 12,528 na pinakamataas mula noong Abril 2022.

Base sa pinakahuling bulletin ng DOH nasa 1,712 ang naitalang bagong
new coronavirus infections sa bansa.dahilan para umabot na sa 3,714,770.

Sa Metro Manila naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID19 na umabot sa 6,869 na sinundan ng Region IV-A na may 2,915; Region VI may 1,253; Region III may 1,134; at Region VII na may 662. (Philip Reyes)


Tags: OCTA Research Group fellow Dr. Guido David

You May Also Like

Most Read