Covid cases sa Metro Manila, puwedeng pumalo sa 500 kada araw

NAKIKITA ng independent group na OCTA Research Group na maaaring umabot sa 500 kada araw ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Hunyo kung magpapatuloy ang trend ng pagtaas nito.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ang pagtataya ay dahil sa pag-angat ng reproduction rate ng virus sa 1.59 na mas mataas na sa pamantayang numero na mas mababa sa 1.0.


“Our projection is 400 to 500 cases a day by the end of June. The increase in cases is accelerating because we only had 65 cases per day,” ayon kay David sa panayam sa telebisyon.

Nangangamba rin siya na maaaring maklasipiko na ang NCR sa ‘moderate risk’ sa susunod na linggo.

Umakyat rin ang positivity rate o ang bilang ng mga nagpopositibo kumpara sa kabuuang dami nang sumailalim sa tests. Naitala ito sa 2.7% ngunit mas mababa pa rin naman ito sa 5% na pamantayan ng World Health Organization (WHO) para masabing nakokontrol ang pagkalat ng virus.


Nagkaroon rin ng pagtaas sa ‘seven-day average’ na naitala sa 131 mula sa dating 86 o 53% pag-akyat.

Pero nakikitang magandang senyales pa rin ng OCTA ang pananatili ng ‘healthcare utilization rate’ sa ‘low’ na nangangahulugan na epektibo at malakas pa rin ang kakayahan ng bansa sa aspetong medikal sa pagresponde sa mga pasyente. (Philip Reyes)


Tags: OCTA fellow Dr. Guido David

You May Also Like