Latest News

COVID cases sa bansa, tuloy sa pagbaba

PATULOY sa pagbaba ang bilang ng mga dinadapuan ng COVID 19 matapos na bumaba pa sa 1,427 ang naitalang bagong kaso ng impeksiyon ng Department of Health (DOH). hanggang nitong alas 4 ng hapon,kahapon sa bansa.

Ayon sa DOH case bulletin #709, umaabot na sa 3,653,526 ang kabuuabg bilang ng indibiduwal.dinapuan ng impeksiyon

Sa naturang bilang, 58,657 ang aktibong kaso at nakaratay sa mga pagamutan at isolation facility.

Kasama dito ang 53,326 na mild cases, 2,845 na moderate cases, 1,422 na severe cases, 760 na asymptomatic cases, at 304 na critical cases.

Habang mahroon naman naitala ang DOH na 3,269 mga pasyenteng gumaling na sa karamdaman kaya nass 3,539,106 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa sakit.

May 79 naman ang nadagdag sa bipang ng mga nasawi kaya nasa 55,763 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID19 sa bansa.

Tags:

You May Also Like

Most Read