Inilunsad ni Food and Drug Administration Director General Dr. Samuel Zacate ang isang task force na magbibigay-daan para maibenta na sa merkado ang COVID-19 vaccines.
Tinawag itong “Taskforce Edward”, na isinunod sa pangalan ng British physician na si Dr. Edward Jenner na kilala sa kanyang trabaho sa immunization .
Layunin ng task force na gawing epektibo at ligtas ang COVID-19 vaccines at mas maging abot- kamay ng mga Pilipino.
Ayon kay Zacate, ang pagkakaroon ng task force ay makakatulong para mabawasan ang tagal ng paga-apruba at evaluation ng COVID-19 vaccines.
Una nang nag -syu ng emergency use authorizations (EUA) sa COVID-19 vaccines at drugs ,alinsunod sa mga kondisyon.
Sa Taskforce Edward ,ang maaaprubahang COVID-19 vaccines ay bibigyan ng Certificate of Product Registration (CPR).
“Any post-market issues will be addressed through a more rigorous surveillance and pharmacovigilance,” ayon pa sa FDA.
“This initiative will help the current administration to shift its focus from COVID-19 crisis management to a more robust recovery of the national economy,” dagdag pa ni Zacate.
Hinikayat rin ni Zacate,ang mga pharmaceutical firms na mag- apply pata.maisyuhan ng market authorization para sa kanilang COVID-19 vaccines. (Arsenio Tan)














