Latest News

COVID-19 vaccine, epektibo kontra Omicron XE – DOH official

SINABI ng isang health official na nananatiling epektibo ang mga COVID-19 vaccines laban sa mga recombinant variants gaya ng ‘Omicron XE’ na kamakailan lamang ay napaulat na nadiskubre sa Bangkok, Thailand.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Dr. Edsel Salvana, infectious disease expert at miyembro ng Department of Health (DOH) technical advisory group, nitong Martes, kasabay nang paghikayat sa mga mamamayan na magpaturok na ng booster shots laban sa virus.

Ayon kay Salvana, ang recombinant variant XE, ay kumbinasyon ng BA.1 at BA.2 omicron sub-variants, na may BA.2 spike protein.


Inaasahan naman nilang ang mga bakuna ay epektibo pa rin laban sa XE sa kaparehong antas sa BA.2.

Mas tataas naman ang makukuhang proteksyon ng mga mamamayan laban sa virus kung magpapaturok pa sila ng booster shot.

Ayon dito, “Vaccines should be effective to XE to the same level as BA.2. It has 30 to 40 percent protection [against infection], but against severe disease it’s still pretty high, mga 80 percent. Kung mag-booster tayo, better than that.”

“We don’t expect it to be more severe and we don’t expect it to dodge vaccines any worse than BA.1 and BA.2,” dagdag pa ni Salvana.


Una nang sinabi ng DOH na minumonitor nila ang naturang Omicron XE at patuloy na nakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) hinggil dito.

Samantala, pinaalalahanan rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na magpaturok na ng booster shots dahil nababawasan aniya ang bisa ng bakuna sa paglipas ng panahon.

“Humihina po ang bisa ng ating mga bakuna paglipas ng panahon kaya naman magpa-booster to stay protected and be extra protected from the now-circulating and possible variants in the future,” sabi pa nito.

Iniulat rin ni Vergeire na sa ngayon ay umaabot na sa 66.2 milyon ang mga taong fully-vaccinated na laban sa COVID-19.


Sa 46.8 milyong eligible individuals naman, nasa 12.1 milyon pa lang ang nakatanggap na ng booster shots. (ANDOY RAPSING)

Tags: Dr. Edsel Salvana

You May Also Like

Most Read