Latest News

COVID-19 subvariant na JN.1, pinababantayan sa DOH

By: Carl Angelo

Pinababantayan sa Department of Health(DOH) ang posibilidad na pagpasok sa bansa ng bagong COVID-19 subvariant na JN.1 na natukoy na sa ibang bansa, partikular sa Amerika.

Napag-alaman kay Philippine College of Physicians president Dr. Rontgene Solante na kapag nakapasok sa bansa ang naturang subvariant ng COVID-19 ay posible umanong maging dahilan ito ng panibagong pagtaas ng mga ng COVID-19.

Sinabi ni Solante na hindi niya tiyak kung may na-detect nang kaso ng JN. 1 pero dahil nakapasok na ito sa ibang bansa at dahil walang ipinatutupad na restrictions sa biyahe ay maaring makapasok rin ito sa bansa.


Nabatid na may katangian umano ang JN.1 ng tulad sa Delta subvariant na maaaring magdulot ng mas malalang pagkakasakit.

Nakategorya rin ng World Health Organization (WHO) ang JN.1 na isang “variant of interest”, pero hindi naman umano ito nagtataglay ng matinding banta sa kalusugan.

Samantala,sinabi ni Solante na hindi naman dapat na mag-panic ang publiko sa pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 dahil sa inaasahan na ang paglala ng mga kaso sa respiratory tuwing taglamig at hindi na pagsunod sa health protocols ng maraming tao.


Tags: Department of Health(DOH)

You May Also Like

Most Read