COVID-19 RESPONSE, ILILIPAT SA NDRRMC

Inihayag ni Defense Officer In-Charge Senior Undersecretary Jose Faustino na walang magiging problema kung tuluyang mailipat sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang tungkulin para sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Inihayag ni Defense Spokesperson Director Arsenio Andolong na walang inaasahang malaking pagbabago sa magiging trabaho ng NDRRMC ngayong inilipat na ang mandato ng National Task Force Against COVID-19.

Aniya, hindi na sila maninibago dahil miyembro rin naman ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang NDRRMC.


Una na ring inihayag ni Faustino na hindi maninibago ang ahensiya dahil may platform nang nakalatag at ginagamit ang NDRRMC sa pagtugon sa pandemya, paglulunsad ng mga mas vaccination at medical survey and response kung saan miyembro din nila ang Department of Health .

Ang mangyayari lamang aniya ngayon ay magiging hands-on na sila sa usapin ng pagtugon ng bansa sa pandemya ng COVID-19.


Ang NDRRMC ay nasa ilalim ng Office of Civil Defense na nasa pangangasiwa ng Department of National Defense (DND).

Sinabi ni Andolong na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) kaugnay dito, at ang kagandahan ay miyembro rin naman ng konseho ang DOH kaya wala silang nakikitang magiging problema.


Paliwanag pa ni Andolong, katulad ng pagtutok ng NDRRMC sa tuwing may kalamidad, ganito rin ang gagawin nilang pagtugon sa pandemya ng COVID-19, nadagdagan lamang aniya ang mga bagay na kanilang tututukan. (VICTOR BALDEMOR)

 

Tags: NDRRMC

You May Also Like

Most Read