COVID-19 positivity rate sa NCR, umakyat na sa 13%

Umakyat na sa 13%,ang positivity rate sa National Capital Region(NCR) pero nasa 10% sa pangkalahatan.

Ayon sa Department of Health (DOH) ,ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng tao na nagpositibo sa COVID19 sa kabuuang bilang nang sinuri.


“Most areas show a sharp increase in cases with NCR showing the steepest increase, now almost at 750 cases per day,” ayon sa ulat ng DOH .

Magugunita na sinabi ng OCTA Research Group na nasa 10.9% ang positivity rate hanggang nitong Hulyo 9.

Sa kabila nito, nanatiling nasa low risk classification ang NCR.


Nabatid na naitala sa NCR ,ang average daily attack rate (ADAR) na 4.87 ,habang ang utilization rate at ICU utilization rate ay nasa 30.70% at22.16%. (Philip Reyes)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read