COVID-19 positivity rate sa NCR, tumaas ng 2%

Nababahala ang OCTA Research Group matapos ang pagtaaas ng weekly positivity rate ng 2% sa National Capital Region(NCR).

Sinabi ni OCTA fellow Dr.Guido David na tumaas ito sa 9.2% hanggang nitong Nobyembre 22 mula sa 7.4% noong Nobyembre 15.

Sanhi nito, nagpahayag ng pagka-alarma si David sa posibilidad na muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ipinaliwanag ni David na nakikita nila na muling mauulit ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 noong nakalipas na Hunyo kung magpapatuloy ang pagtaas ng positivity rate.

“Unless the trends change, this looks like the start of another wave of infections in the NCR as cases will likely start increasing again,” pahayag ni David sa kanyang Twitter.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang nagaganap na uptick sa kaso ng COVID-19 ay hindi mahalaga dahil ang diperensiya lamang ng mga bagong kaso noong nakalipas na linggo ay nasa “daang kaso” lamang.

“Tayo ngayon not so much on the cases but more on the admission in our hospitals. So pag nakita natin kakaunti ang severe at critical, o hindi na talaga pumapalo ng more than 50%, we think we’re good, ano?”ayon kay Vergeire .


Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko na maging maingat partikular na kapag dadalo sa mga pagtitipon sa nalalapit na holiday season.

Patuloy pa rin na magsuot ng facemask at obserbahan pa rin ang social distancing, aniya. (Philip Reyes)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read