COVID-19 positivity rate sa NCR, nasa 4% na lang

By: Jaymel Manuel

Bumaba pa sa 4% ang COVID-19 positivity rate ng National Capital Region (NCR) hanggang nitong Hulyo 15.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, ito ay mula sa dating 4.2% noong Hulyo 8.


Napag-alaman na maliban sa NCR, nakapagtala na rin ng low positivity rates hanggang nitong Hulyo 15 ang mga lalawigan ng Bulacan na nasa 4.8% na lamang; Laguna, na may 3.7% na lamang; Oriental Mindoro na nasa 4.8% na lamang at Quezon na nasa 3.0% na lamang.

Bumaba rin naman umano ang positivity rates sa ilang lalawigan sa Luzon, kabilang ang Bataan, Batangas, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Pampanga, Pangasinan, Rizal at Tarlac.

Bahagya namang tumaas ang positivity rates sa mga lalawigan ng Cavite, Isabela, La Union, Palawan at Zambales.


Samantala, ang nationwide positivity rate naman ng Pilipinas ay naitala sa 5.7% na lamang hanggang nitong Hulyo 16, 2023..

Ang positivity rates ay ang porsiyento ng mga indibidwal na nagpo-positibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.


Matatandaang nagtakda ang World Health Organization (WHO) ng 5% na threshold para sa COVID-19 positivity rate.


Tags: OCTA Research Group fellow Dr. Guido David

You May Also Like