Bumaba sa 28% ang COVID 19 positivity rate na naitala sa National Capital Region(NCR) kumpara sa 41% naitala noong nakalipas na linggo.
Ito ang iniulat ng OCTA Research Group kung saan naging mas mababa ang growthrate ng NCR ngayon linggo.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David maaring maabot ang rurok ng impeksiyon sa loob ng pitong araw kung ikukunaidera ang kasalukuyang trend sa karagdagang kaso ng COVID19.
Nabatid na ang NCR-ADAR ay nasa 5.57% kada araw sa 100,000 populasyonnat ang hospital occupancy ay nanatilingababa na nasa 29.6%.
Nalaman na nakapagtala ang DOH noong Biyernes ng 2,588 bagong impeksiyon dahilan para umabot sa 18,090 ang aktibong kaso at nasa 3,727,970 ang kabuuang bilang nang dinapuan ng COVID19. Sa naturang bilang 985 ang mula sa NCR. (Jaymel Manuel)














