Higit pang bumaba sa 3.3%,ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa kahapon, mula sa 3.4% noong Sabado.
Ipinaliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David ,ang positivity rate ay ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng nasuri.
Kaugnay nito, nakapagrehistro naman ang Department of Health (DOH) ng bagong 169 kaso ng COVID-19, dahilan para umabot sa 9,270 ang aktibong kaso sa bansa.
Nanatili na ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming naitalang kaso sa loob ng nakalipas na 14 na araw, na umabot sa 548.
Sinundan ito ng Davao Region na may 283 kaso;, Calabarzon, 227; Soccsksargen 182 at Northern Mindanao, 158.
Bunga ng naturang trend ay itinaya ng OCTA na aabot sa 150 hanggang 200 ang maitatalang kaso ng COVID-19.sa bansa ngayong linggong ito. (Philip Reyes)