Latest News

COVID-19 positive, inirekomenda ng DOH na patuloy mag-isolate at quarantine

By: Philip Reyes

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pag-isolate at pagsasailalim sa quarantine ng isang indibiduwal na magpo-posotibo sa COVID-19.

Ito ay sa kabila nang tinanggal na ang public health emergency sa bansa kaugnay sa COVID19.

Sa nilagdaan na DOH circular ni Health Secretary Ted Herbosa,lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na may moderate hanggang severe symptoms at kabilang sa immunocompromised category ay kinakailangan na.mag-isolate ng hanggang 10 araw at sumunod sa.utos ng doktor kung dapat na i-admit sa health care facility.


Pinayuhan din sila na magsuot ng facemask sa loob ng 10 araw, Habang sa mga pasyente na malala ang kaso at immunocompromised, sinabi ng DOH na maari Nilang ihinto ang isolation kapag ipinayo ng kanilang health provider.

Samantala, ang mga kumpIrmadong kaso ng COVID-19 na may mild na sintomas at may acute respiratory symptoms at asymptomatic cases ay pinapayuhan na mag-home isolation sa loob ng limang araw o hanggang sa mawala ang lagnat ng hanggang 24 na oras nang hindi gumagamit ng ‘ antipyretics” gaya ng paracetamol at dapat pa rin na magsuot ng mask sa loob ng 10 araw.


Sa mga asymptomatic close contacts na na-expose sa kumpirmadong COVID-19 positive ay hindi na kinakailangan na mag-quarantine pero dapat pa rin na magsuot ng mask sa loob ng 10 araw.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read