COVID-19 posibleng sumirit

Nangangamba ang Department of Health sa posibilidad na pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 na maaaring umabot sa 9,000 araw-araw dahil sa pagbabalik ng klase nitong Setyembre hanggang Oktubre.

“Ngayong nag-umpisa ang klase, dahil mas maraming lumalabas especially mga bata nandiyan na, plus yung mga magulang na naghahatid sa mga bata, talagang nakita natin na tumaas yung mobility patterns compared to the previous weeks,” pahayag ni DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire.


Dahil dito, pinaaalalahanan ng ahensya na sumunod pa rin sa public health standards at magpabakuna kontra COVID-19 upang maiwasan ang pagtaas ng kaso.

“Ang projections maaaring mangyari, maaaring hindi mangyari, depende kung matutupad ‘yung mga nilagay natin sa assumptions. Ang assumption includes mobility, minimum public health standards, pagbabakuna at siyempre ‘yung opening of classes,” dagdag pa ni Vergeire.


Tags: Department of Health

You May Also Like

Most Read