Hinikayat ng Department of Health(DOH), ang mga Filipino na pag-aralan na mamuhay kasama ang COVID19 sa new normal dahil hindi kaagad mawawala ang virus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ,aasa na lamang ang publiko sa bakuna at patuloy na pagsunod sa health protocol para maprotektahan at mabawasan ang panganib na mahawa at makapanghawa ng virus.
“Tinuturuan po natin ang ating mga kababayan na we should live with this virus, they must protect themselves by receiving our vaccines and also doing and complying with our safety protocols like wearing face masks,” ani Vergeire
“Alam din po natin na pang matagalan po ang sakit na ito na hindi naman po talaga basta-basta mawawala .”
Sinabi ni Vergeire na hindi na magpapatupad ng striktong lockdown ang gobyerno tulad ng ginawa noong mga nakaraang panahon kahit tumaas pa ang mga kaso.
Ayon kay Vergeire may 63 kaso ng tatlong Omicron subvariants ang naitala sa Western Visayas, National Capital Region, at sa returning overseas Filipinos.
Inaashan na marami pang filipino ang magkakaroon ng COVID19 at muli pang tataas ang mga kaso dahil na rin sa mobility patterns, low vaccine uptick, partikular na sa booster shots at pagsunod sa minimum public health standards.
“Basta mild and moderate lang at saka asymptomatic, tayo po ay makakaagapay dito. Ang pinakaimportante sa atin ngayon ay ma-i-manage natin at ma-maintain natin ang ating mga ospital na hindi dumadami po ang mga nagkakasakit at naa-admit, ma-maintain po natin na mababa ang severe and critical [cases],” dagdag pa ni Vergeire.
Nalaman na hanggang nitong Hunyo 28, kalahati ng kabuuang hospital admissions ay asymptomatic at mild cases ang Covid-19 .
Samantalang 10.68% o 591 kaso ang malala at kritikal na.mas mababa ng 20% ng kaso naitala noong Enero. (JAYMEL MANUEL)