COVID-19 Field Hospital, babaklasin na

Sisimulan nang baklasin ngayong Nobyembre ang COVID-19 Field Hospital na nasa Quirino Grandstand sa Maynila.

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na mula pa noong Oktubre 20 ay hindi na tumanggap ng pasyente ang nasabing ospital.


Hindi naman umano masasayang ang mga medical equipment mula sa Covid-19 Field Hospital dahil ipamamahagi ito sa mga pampublikong ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan.

Sapat rin ang bed capacity ng mga ospital sa lungsod para sa mga posibleng tatamaan ng COVID -19.

Magugunita na hiniling ng pamunuan ng National Parks and Development sa lokal na pamahalaan ng Maynila na alisin na ang Field Hospital dahil may planong proyekto sa lugar. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like