NANINIWALA ang molecular biologist na si Fr. Nicanor Austriaco, miyembro ng OCTA Research Group na hindi na mawawala ang coronavirus sa mundo na matututunan ng tao na makasama sa buhay tulad ng kasalukuyang mga trangkaso.
“When people say I’m waiting until Covid disappears, it will never disappear. So you have to learn to live with it,” ayon kay Fr. Austriaco.
Inihalimbawa niya ang isang virus na kahalintulad ng Covid noong 1889 sa Russia na pumatay sa maraming tao na nandidito pa rin ngunit nagdudulot na lamang ng lagnat.
“So as we live with it, it will adjust to us and we will adjust to it. And overtime, it will become a regular cold,” paliwanag ng pari.
Sa kasalukuyan umano, nasa transition period pa lamang ang Covid at ang mga tao. Pero sa loob ng 10 taon, umaasa siya na ang mga anak at mga apo ay magkakaroon ng Covid nang bata pa sila o kahit ilang beses pa ngunit hindi na magiging malaking problema.
Para mabuhay ng normal kasama ang Covid, ipinayo niya na kailangang tiyakin na palaging protektado sa pamamagitan ng pagpapabakuna at boosting. Ipinayo niya sa mga matatanda na gawing itong regular kada taon.
“When the numbers go up, then avoid crowds, stay at home and always wear mask. When the numbers go down, you go out again. It will become a regular life,” dagdag ni Fr. Austriaco.
Hindi naman nakatitiyak na masusugpo ng mga iniimbentong bakuna ang virus dahil sa katangian nito na nagmu-mutate sa ibang variants. (Philip Reyes)














