Latest News

COVID -19 bumulusok pataas

Bumulusok pataas ang COVID-19 matapos makapagtala ng 43% nitong Nobyembre 7 hanggang 13,kumpara sa naitala ng Department of Jealth (DOH) noong nakalipas na linggo

Sa lingguhang bulletin ng DOH,naitala ang kabuuang 9,069 dinapuqn ng virus nitong Nobyembre 7 hanggang 13 na nangangahulugan na 1,296 kao kada araw.

Nabatid na 6 na kaso ang malala habang 613 pasyente ang kritikal sa hospital.


Maynaberipika rin na 113 nasawi kabilang na ang 4q biktima sa pagitan ng Oktubre 31 at Nobyembre 13.

“Of the 113 deaths, 39 occurred in November 2022, 42 in October 2022, 13 in September 2022, 2 in August 2022, 4 in March 2021, 4 in February 2021, 4 in January 2021, 1 in December 2020, 3 in November 2020, and 1 in September 2020,” paglilinaw ng DOH.

Samantala,umaabot na sa 73.6.milyon indibiduwal o 94.29% ng target na populasyon ang nabakunahan na laban sa COVID19 habang 20.7 milyon ang nakatanggap ng booster shot.

May 6.9 milyon senior naman o79.42% ang nakatanggap ng primary doses.


Tags: Department of Jealth (DOH)

You May Also Like

Most Read