Latest News

COVID-19, bahagyang tumaas

By: Philip Reyes

Bahagyang tumaas ang mga naitalang kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) mula Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 13, 2023.

Ayon sa National COVID-19 case bulletin, nakapagtala ng 1,132 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa na may average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw na nasa 162.

Ito ay mas mataas ng 21 percent kumpara sa mga kasong naitala noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 6, 2023.

Sa mga bagong kaso, 12 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman, habang may 10 naman ang nasawi pero wala naman sa mga ito ang naganap noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13, 2023.

Nabatid na noong Nobyembre 12, 2023 ay mayroon rin umanong naitalang 246 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Napag-alaman na sa 1,423 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, may 164 o 11.5% ang okupado habang 2,262 o 18.3% ng 12,352 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit sa ngayon.

Tags:

You May Also Like

Most Read