NAG-ALOK umano ang COVAX Facility na palitan ng bago ang mga na- expired na 2019 COVID-19 vaccine na i-donate at binili ng gobyerno.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire,nakatakda na ng negosasyon para mapalitan ang.mga na-expired na vaccines..
“May commitment na rin naman po sa COVAX verbally, kung saan nag-commit naman sila na maaari naman nilang palitan, kahit na hindi iyong mga donation nila, iyong mga prinocure natin, na set to expire ay maaari din daw nilang palitan ,” ani Vergeire sa “Laging Handa” briefing.
Sinabi ni Vergeire ,na nakatugon na ang DOH sa kahilingan ng COVAX,Kabilang na ang paggamit ng “demand forecasting tool” para makita ang aktuwal na bilang ng stockpiles at doses na kakailanganin pa sa mga susunod na buwan
“Hinihintay po natin iyong response nila pero they already were able to set a meeting with us by next week ,” ayon pa kay Vergeire.
Una nang sinabi ng DOH na may 3.6 milyon COVID19 vaccine na donasyon sa bansa ang na expires
Nalaman na target ng gobyerno na makapag bakuna ng may 77 milyon indibiduwal bago matapos ang Hunyo na kumakatawan sa 85% ng eligible population.
Sa kasalukuyan ay may 68.5 milyon na ang kumpletong nababakunahan. (Anthony Quindoy)














