Sinibak sa kanyang tungkulin ng Supreme Court (SC), ang isang court stenographet dahil sa reklamong Gross Misconduct at Gross Insubordination.
Sa 18- pahinang desisyon ng SC en banc, si Lorna Martin,Court Stenographer 1 ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Sta. Ignacia, Tarlac, ay napatunayang guilty sa paglabag sa Code of Conduct for Court Personnel, partikular na dahil sa kanya umanong pagiging “disrespectful, disobedient and offensive behavior”.
Bukod sa sinibak sa trabaho,inalisan rin ng benepisyo at kinansela ang kanyang
civil service eligibility at.habambuhay na itong diskuwalipikado na.makapasok muli sa anumang trabaho sa gobyerno.
Nag-ugat ang pagkakatanggal sa serbisyo ni Martin sa isinampang reklamo ni Judge Stela Marie Q. Gandia-Asuncion at ilang court employees ng MCTC – Sta. Ignacia, Tarlac dahil sa paulit ulit umano nitong pagiging arogante at hindi marunong gumalang sa kanyang trabaho bilang court stenographer.
Isa umano sa ginawa ni Martin ay ang pagsugod nito sa opisina ni Judge
Gandia-Asuncion’s at pinagsalitaan pa ang hukom ng hindi maganda matapos nitong i-correct ang draft order na ginawa ni Martin.
“Sika nga Judge loklokwen nak, Apay tuwing agpa-correct ak kanyam ti order ket suksukatam, Loko-loko ka, Demonyo, Satanas ka nga talaga nga Judge,” bahagi ng mga maanghang na salita ni Martin sa hukom, ayon sa desisyon.
Hindi rin umano sumusunod si Martin sa kautusan ng Hukom na isumite ang kanyang stenographic notes at recordings ng mga hearings, bukod pa sa ginawa nitong pagsugod sa Officer-in-Charge (OIC) Clerk of Court Rodelio A. Pedroche.
Nalaman na mula 2014 hanggang 201, nag- isyu ang Hukom ng anim na memoranda kay Martin para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat parusahan pero tumanggi itong tanggapin ang ‘memo’.
Una.nang pinarusahan si Martin ng Office of the Court Administrator ng isang taong suspension sa trabaho nang walang suweldo pero itinaas ng SC ang parusa sa dismissal sa serbisyo. (Carl Angelo)