Latest News

COURT OFFICER, ARESTADO NG NBI SA ‘DECISION FOR SALE’

By: Baby Cuevas

Kinilala na ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang court officer ng Pasay City Regional Trial Court Branch 108 na inaresto kamakailan sa loob ng ng Court Office matapos masangkot diumano sa “decision for sale”.

Ang dinakip ay kinilalang si Mariejoy P. Lagman, court officer sa Pasay RTC , Branch 108.

Ayon sa NBI, ikinasa ang entrapment operation laban kay Lagman matapos ang ipinadalang liham sa NBI ng Supreme Court (SC) na imbestigahan ang alegasyon na sangkot ang Pasay City RTC ,Branch 108 sa pangingikil ng.pera mula sa partido na ang kaso ay nililitis sa nabanggit na korte.


Nagawa ng mga ahente ng NBI-CCD na magkaroon ng komunikasyon sa isa sa defendants at doon ay nakumpirma ng NBI na totoong sangkot nga sa pangingikil ang naturang korte kapalit ng desisyon na papabor sa kausap na magbibigay ng pera.

Ipinagharap si Lagman ng kasong Direct Bribery sa ilalim ng Article 210 of the Revised Penal Code (RPC); Knowingly Rendering Unjust Judgement sa ilalim ng Article 204 of the RPC; Sections 3b, c, at sec e ng R.A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); P.D. No. 46; Section 7d ng R.A. No. 6713 (Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees); paglabag sa Rule 1.01, Canon 1, at Rule 2.01, Canon 2 ng Code of Judicial Conduct; at Canon 1 of the Code of Conduct for Court Personnel.

Napag-alaman na si Lagman ay pinuntahan ng mga ahente ng NBI noong Mayo 23,2024 sa tanggapan ng Branch 108 kasama ang Liaison Officer ng defendant at pagkaabot sa P6 milyon ay saka ito inaresto ng NBI nang mga oras ding iyon.


Tags: National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD)

You May Also Like

Most Read