Isang akusado sa pagpatay at itinuturing na ‘No. 3 most wanted ng Police Regional Office 3’ ang natunton ng mga tauhan ni SJDM City Police Station chief, Colonel Rannie Lumactod sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Narra sa Bulacan.
Ayon kay Col. Lumactod, nadakip sa ikinasang joint law enforcement operation si Mhel Angelo Aviles, 23, isang Sangguniang Kabataan Councilor ng Novaliches Quezon City at kasalukuyang naninirahan sa 0-19 Blk 38 Road 12 Brgy. Minuyan 3, CSJDM, Bulacan.
Bago ang iniltag na dragnet operation, isang intelligence gathering ang isinagawa ng RIU- 3, Bulacan PIT na pinangunahan ni PMaj.Ceferino Machoc para makuha ang suspek na nahaharap sa kasong murder.
Walang piyansang inirekomenda si Hon. Lyn Llamasares-Gonzales, presiding judge ng RTC Branch 78, Malolos City, Bulacan, para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na nahaharap sa kasong murder sa ilalim ng Criminal Case No. 6142-M-2022 .
“The warrant of arrest was received by this station on November 29, 2022. Hence, pursuant to (A.M No. 21-06-08-SC) Body Worn Camera was used during police operation,” ani Lumactod.
Pansamantalang inilagay sa kustodiya ng City of San Jose Del Monte, City Police Station lock-up jail ang suspek hanggang sa naihanda ang mga kinakailangang dokumento at maibalik ang warrant sa issuing court. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














