Kasama na ang Cotabato sa Bangsamoro Autonomous Region ng Muslim Mindanao.
Ito ay matapos na pagtibayin ng Supreme Court En Banc sa kanilang deliberasyon noong Enero 10,2023 ang pagsama ng Cotabato City sa BARMM.
Una nang nagdaos ng plebisito noong Enero 21,2019 para matiyak kung dapat ba na.maisama ang Cotobato City sa BARMM.
Base sa Certificate of Canvass of Votes, 38,682 ,indibidwal ang.bumoto pabor habang 24,994 indibidwal ang tumutol kaya niratipikahan ng Commission on Election (Comelc).ang Organic Law para.maisama na ang Cotobato City sa BARMM.
Gayunman ,tinutulan ito nina Amil P. Sula, Gaspar S. Asi, at Hussein K. Malik, Sr. at naghain ng Petition for Certiorari, Prohibition and Mandamus, with Application for a Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Injunction noong Pebrero 28,2019.
Nabatid na kinuwestiyon sa petisyon ang pagdaraos ng plebisito,pagsama sa Cotabato City sa BARMM at ang ratipikasyon ng Organic Law.
Sinabi ng SC nang ibasura ang petisyon na nakatugon ang Comelec sa requirements ng Organic Law sa pagdaraos ng plebisito at walang naganap na ‘grave abuse of discretion’.
Sinabi pa ng SC na nabigo ang petitioner na mapatunayan na nagkaroon ng pandaraya sa ginanap na plebisito.
“The mere allegation that the inclusion of Cotabato City in the newly-formed Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao was not the true intention of the voters of Cotabato City will not persuade this Court to overturn the actions of the Commission on Elections,” ayon pa sa desisyon ng SC.
Napag-alaman na ‘unanimous’ ang boto kung saan dalawang Associate Justices ang hindi nakibahagi sa botohan habang isa naman ang na ka- leave at walang nag-dissent o kumontra. (Arsenio Tan)