Latest News

‘COP KILLER’, PATAY SA LAW ENFORCEMENT OPERATION

DEAD- on- arrival sa pagamutan ang tinaguriang ‘cop killer’, ang ikalimang suspek at lider ng ‘Flores Group’ na responsable sa pataksil na pagpatay sa dalawang anti-drug operatives ng Mabalacat City Police noong December 3, 2022.

Sa isinumiteng ulat kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin ni Police Regional Office 3 Director, PBGen. Cesar Pasiwen, patay sa inilunsad na law enforcement operation ang suspek na kinilalang si Kenneth Flores na piniling lumaban nang sabayan kaysa magpahuli ng buhay.

Ayon kay Gen Azurin, nagtangka pang tumakas si Flores habang isinisilbi ng mga awtoridad ang dala nilang warrant of arrest sa Sitio Dungan, Brgy. Tabun Mabalacat, Pampanga dahil sa kinakaharap nitong kasong double murder na sinundan ng palitan ng putok.

Nagawa pang isugod si Flores sa Mabalacat District Hospital pero idineklarang patay na nang dumating ito, ayon sa attending physician.

Unang nadakip ang tatlong suspek na tauhan ni Flores sa Mabalacat, matapos ang ikinasang follow-up operations ng mga awtoridad noong Disyembre 2022 na kinilalang sina JunJun Baluyut, Aries Bagsic at Leslie Placente. (VICTOR BALDEMNOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read