COP KILLER, PATAY SA ENGKWENTRO

By: Victor Baldemor Ruiz

DEAD-on-the-spot ang sinasabing responsable sa pagpatay sa dalawang Bulacan Police noong Marso 8, 2025 kasunod ng naganap na sagupaan sa Zone 7, Barangay Bacagan, Baggao, Cagayan kahapon ng umaga, Hunyo 4, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Xander”, na may kinakaharap na warrant of arrest kaugnay sa pagpaslang kina PSSg Dennis G Cudiamat at PSSg Gian George N Dela Cruz, parehong miyembro ng Bocaue Municipal Police Station.


Napag-alamang napatay ang suspek sa isinagawang law enforcement operation ng pinagsanib na puwersa ng Baggao Police Station (lead unit), Regional Intelligence Division 2 at 3, Regional Intelligence Unit 2 at 3, Provincial Intelligence Unit-Cagayan PPO, Provincial Intelligence Unit-Bulacan, 204th Maneuver Company RMFB2, 1st PMFC at Bocaue Police Station, upang ipatupad ang nasabing warrant of arrest at habang isinagawa ang intelligence drive operation ay sinalubong na sila ng sunod- sunod na putok mula sa suspek at sumigaw ng “Di ako papahuli nang buhay!”

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang unit ng Glock firearm na may serial number PNP50742, na pinaniniwalaang armas na pagmamay-ari ng isa sa mga napatay na pulis sa Bocaue, Bulacan.#

Napilitan ang mga alagad ng batas na gumanti ng putok, na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.


Tags: Bulacan Police

You May Also Like

Most Read