CONVOY NG MAYORALTY CANDIDATE PINAPUTUKAN, 1 PATAY, ISA SUGATAN

By: Victor Baldemor Ruiz

Patay ang isang kasamahan ng mga kandidato sa pulitika at isa pa ang sugatan matapos ang naganap na pamamaril sa Sitio Agdamay, Barangay Budac sa Tayum, Abra.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang Tayum Police Station ng impormasyon hinggil sa pamamaril, kung saan agad tumugon ang pulisya at naglatag ng checkpoint sa mga posibleng exit point

Isang itim na pick-up truck ang pinara ng mga awtoridad na minamaneho ni alyas ‘Ben’ matapos makarinig ang mga pulis ng putok ng baril.


Nakuha mula sa direktang pag-iingat ni alyas ‘Ben’ ang isang .45 kalibreng pistola, tatlong magasin na naglalaman ng mga bala at isa pang .45 kalibreng pistola na may magazine na pagmamay-ari umano ng isang alyas ‘Joel.’

Sa inisyal na impormasyon ay nagkaroon umano ng girian sa pagitan ng grupo ni SB Member Walter Tugadi at ng grupo ni Kathlia Alcantara, na kumakandidato sa pagka-alkalde ng Tayum, kasama si Punong Barangay Ryan Luna, habang sila’y nangangampanya sa nasabing area.


Sinasabing pinaputukan ang grupo nina Alcantara at Luna, kung saan ayon sa report ng Abra Police Provincial Office, matapos ang putukan,ay patay ang isang Jay-Ar Tanura, 27, habang ang sugatan ay kinilalang si Jordan Claustro Barcena.

Ayon kay Abra Provincial Director, Col. Froilan Lopez, kasalukuyang nangangampanya ang team ng mayoral aspirant na si Kathia Alcantara sa Barangay Budac nang mangyari ang panibagong insidente ng barilan.


Bagama’t hindi pa natutukoy ang tunay na dahilan ng barilan, na-recover ng mga otoridad ang dalawang baril sa pinangyarihan ng krimen habang isang suspek na ang naaresto sa isinagawang pursuit operation.

Ngayong taon ay ilang serye ng ‘gun violence’ na ang naitala sa iba’t-ibang lugar sa naturang probinsya kung saan sa mula Enero hanggang sa pagpasok ng Abril ay hanggang 20 pamamaril na ang naitala rito.

Una na ring nagbabala si Commission on Elections chairman George Erwin Garcia ukol sa posibilidad na pagsasailalim sa Comelec control sa naturang probinsya, dahil sa walang tigil na karahasan.

Tags: Tayum Police Station

You May Also Like

Most Read