Latest News

Convenience store robbery holdup group member, arestado

By: Jerry S. Tan

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 2 ang isang miyembro ng convenience store robbery holdup group sa isinagawang operasyon kahapon ng hapon sa Elcano Street, Tondo, Maynila.

Kinilala ni PLt Col. Rosalino Ibay, station commander ng MPD-PS2 ang suspek na si Jomarie Salonga, No.1 Most Wanted Person sa station level.

Si Salonga ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery with homicide na inisyu ni Presiding Judge Maria Paz Rivera Reyes-Yson ng Manila RTC Branch 54.


Nabatid na ala- 1:35 ng hapon nang maaresto ng mga pulis ang suspek sa nabanggit na lugar.

Sa impormasyong nakuha ni Ibay, nalaman na ang suspek ay kasama sa grupong nagsasagawa ng serye ng holdap sa mga convinience store.


Inamin ng suspek kay Ibay na siya ang nagsisilbing lookout ng grupo.

Huling hinoldap ng mga kasamahan ng suspek ang isang convenience store sa Cubao, Quezon City kung saan nabaril ng guwardiya ang dalawang suspek na pumasok nang naka- helmet sa convenience store.


Naaresto ang dalawng holdaper sa Isang pagamutan sa Maynila.

Tags: Manila Police District-Police Station 2

You May Also Like